AI tools for 324 Nang aking matantong nasa bilangguan ang bunying monarka't ang ama kong hirang; nag-utos sa hukbo't aming sinalakay hanggang 'di nabawi ang Albanyang bayan. 325 Pagpasok na namin sa loob ng reyno, bilanggua'y siyang una kong tinungo; hinango ang hari't ang dukeng ama ko sa kaginooha'y isa si Adolfo. 326 Labis ang ligayang kinamtan ng hari at ng natimawang kamahalang pili; si Adolfo lamang ang nagdalamhati, sa kapurihan kong tinamo ang sanhi. 327 Pangimbulo niya'y lalo nang nag-alab nang ako'y tawaging Tanggulan ng S'yudad, at ipinagdiwang ng haring mataas sa palasyo real nang lubos na galak. 328 Saka nahalatang ako'y minamahal ng pinag-uusig niyang kariktan; ang Konde Adolfo'y nagpapakamatay — dahil sa korona — kay Laura'y makasal. 329 Lumago ang binhing nagmula sa Atenas ipinunlang nasang ako'y ipahamak; kay Adolfo'y walang bagay na masaklap, para ng buhay kong hindi nauutas. 330 'di nag-ilang buwan ang sa reynong tuwa at pasasalamat sa pagkatimawa, dumating ang isang hukbong maninira ng tagaTurkiyang masakim na lubha. 331 Dito ang panganib at pag-iiyakan ng bagong nahugot sa dalitang bayan, lalo na si Laura't ang kapangambahan ang ako ay sam-ing palad sa patayan. 332 Sapagkat heneral akong inatas ng hari sa hukbong sa Moro'y lalabas; nag-uli ang loob ng bayang nasindak puso ni Adolfo'y parang nakamandag. 333 Niloob ng Langit na aking masupil ang hukbo ng bantog na si Miramolin; siyang mulang araw na ikinalagim sa Reynong Albanya ng Turkong masakim. 334 Bukod dito'y madlang digma ng kaaway ang sunud-sunod kong pinagtagumpayan; anupa't sa aking kalis na matapang, labimpitong hari ang nangagsigalang. 335 Isang araw akong bagong nagbiktorya sa Etolyang S'yudad na kusang binaka, tumanggap ng sulat ng aking monarka, mahigpit na biling umuwi sa Albanya. 336 At ang paninihala sa dala kong hukbo, ipagkatiwalang iwan kay Menandro; noon di'y tumulak sa Etolyang Reyno, pagsunod sa hari't Albanya'y tinungo. 337 Nang dumating ako'y gabing kadiliman, pumasok sa reynong walang agam-agam; pagdaka'y nakubkob lLaking kaliluhan ng may tatlumpung libong sandatahan. 338 'di binigyang-daang akin pang mabunot ang sakbat na kalis at makapamook; buong katawan ko'y binidbid ng gapos, piniit sa karsel na katakut-takot. 339 Sabihin ang aking pamamahangha't lumbay, lalo nang matantong monarka'y pinatay ng Konde Adolfo't kusang idinamay ang ama kong irog na mapagpalayaw. 340 Ang nasang yumama't haring mapatanyag at uhaw sa aking dugo ang yumakag sa puso ng Konde sa gawang magsukab ... O, napakarawal na Albanyang S'yudad! 341 Mahigpit kang aba sa mapagpunuan ng hangal na puno at masamang asal, sapagkat ang haring may hangad sa yaman ay mariing hampas ng Langit sa bayan. 342 Ako'y lalong aba't dinaya ng ibig, may kahirapan pang para ng marinig na ang prinsesa ko'y nangakong mahigpit pakasal sa Konde Adolfong balawis

Related Tools:

Filter by type: